FULL TEXT | Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during the online Sunday Mass on August 16, 2020, Feast of San Roque, at 10 am.


During times of great difficulties such as during plagues and pandemics, we use all the resources we have in order to survive. One of the great resources that we have as a people of faith is prayer. So, we pray for one another and ask one another for prayers.

Noong lumabas ang test result ko na ako ay may COVID at pinaalam ko ito para maiwasan na ang anumang sabi sabi, kaagad napakaraming mga tao na nangako na ako ay ipagdasal. I attribute my having passed through this crisis in a relatively mild way without even any symptom of sickness and weakness to the prayers of so many people. Prayer really works.

If we are able to support and strengthen one another with our prayers, would not the prayers of those who are near to God, those who are already in heaven, help us all the more. So, we call on the saints to pray for us.


May mga paboritong mga santo na tinatawagan tayo sa panahon ng mga salot. Sila ay naging paborito dahil sa sila mismo ay nakaranas ng salot o sila ay naglingkod sa mga dinapuan ng salot o ang ilan sa kanila ay namatay sa salot sa kanilang pagtulong sa iba at sila’y nakakatulong sa mga taong nagdadasal sa kanila.

Kaya mayroon tayong tinatawag na fourteen Holy Helpers. They are saints Georgge, Blaise, Erasmus, Pantaleon, Vitus, Christopher, Denis, Cyriacus, Acacius, Eustace, Giles, Margaret, Barbara and Catherine. Nandiyan din si Saint Rosalie at si Saint Aloysius Gonzaga na bata pang namatay, twenty three years old sa pagtulong niya sa mga may sakit sa salot sa Roma noong 1591.

Pero dito sa Pilipinas, ang kilalang nilalapitan ng mga tao at tinatawagan natin ay si San Roque. At ngayon, August 16, ay kanyang kapistahan. Hindi natin maipagdiwang ngayon kasi araw ng Linggo pero sa Archdiocese of Manila, ipagdiriwang si San Roque sa lahat ng mga Misa, sa lahat ng mga simbahan bukas. Ang mga misa natin ay parangal at paghingi ng tulong kay San Roque sa panahon ng salot na ito. At sa Archdiocese, may apat na parokya tayo na nagtataglay ng pangalang San Roque.

Si San Roque ay isang French noble man na tumanggi sa kanyang pagiging maharlika at iniwan ang kanyang palasyo sa Montpellier upang maging isang pilgrim. At ang pilgrim noon ay naglalakbay, naglalakad sa kanyang pag-pilgrimage papuntang Roma, marami siyang nadaanan na mga bayan sa Italy na nakararanas ng salot. He always tapped and attended the people who were sick.

In one town, he himself got the wounds that are the signs of the plague.  He went to the forest to die alone without bothering any people and without infecting anyone. He quarantined himself in a makeship hat. But he did not die. A dog came and brought him food and leak his wounds until he got healed.

Noong siya ay gumaling, patuloy pa rin siya na kumakalinga sa mga nagkakasakit dahil sa mga salot sa mga bayan na dinadaanan niya. Namatay noong 1327 A.D. Dahil sa kanyang kababaang loob, pagkamatulungin at pagiging mapagbigay, ang kanyang kayaman ay ipinamigay niya sa mga dukha. Kinilala siyang santo ng mga tao.

Dumating ang mga black plague in 1347, twenty years after his death. Maraming mga tao ang tumawag sa kanyang panalangin at marami ang gumaling. Napakatindi po ng pandemia ng black death. In six years, from 1347 to 1353, between seventy five million to two hundred million people died in Europe, Asia and North Africa, almost one third of the population of those lands. Marami ang nailigtas sa mga tumawag kay San Roque.

Ang pagtawag sa Diyos sa panahon ng kagipitan ay ipinakita rin sa ating ebanghelyo ngayon. Lumapit ang isang dayuhang babae na humingi kay Hesus ng tulong sa kanyang anak na pinahihirapan ng demonyo. Hindi siya pinansin ni Hesus. Dineadma siya ni Hesus. Hindi siya Hudyo at sabi ni Hesus, siya ay dumating lang para sa nawawalang tupa ng Israel. Pero nagpumilit siya, nananlig siya, pinagtiyagaan niya, nangulit siya. Nagpumilit siya kahit na itinuring lang siya na isang tuta. Ganun kalakas ang kanyang tiwala dahil malaki ang kanyang pag-ibig sa kanyang anak na babae. Ang malaking pag-ibig ay nagdadala ng malaking tiwala. At ito ang kahinaan ng Diyos, ang ating pag-ibig at ang ating pananalig. Faith and love are the weaknesses of God. Kahit na wala sa plano ni Hesus, pinagbigyan niya ang babaeng Cananaita. Wika niya, “Napakalaki ng iyong pananalig, mangyari ang hinihiling mo.”

Ang punto ng ebanghelyo ay hindi lang ang pananalig na nagpapagaling. Ang isang punto ng mga pagbasa ngayong Linggo, ay ayon sa Diyos, ang kaligtasan ay para sa lahat ng mga tao. Walang dayuhan sa mata ng Diyos. Yan din ang sinabi niya sa aklat ni propeta Isaias na ating narinig pati ang mga alay ng mga dayuhan ay magiging katanggap tanggap sa Diyos, sa kanyang templo dahil aniya, “Ang templo ko’y tatawaging bahay dalanginan ng lahat ng lahat ng bansa. Anu man ang lahi ng ibang tao basta sila ay sumusunod sa kasunduan sa Diyos – sila ay nangingiling, sila ay makatarungan at matuwid sa kanilang kapwa, sila ay kukupkupin ng Diyos.

Gayun din po ang sinabi ni San Pablo sa ikalawang pagbasa. Siya’y apostol ng mga Hintil at gusto ng Diyos kahabagan ang mga Hintil at ang mga Hudyo. Lahat ay may karapatan sa kaligtasan.

Is this not also what Saint Paul wrote in his Letter to the Galatians? “There is nether Jew nor Greek, there is neither slave nor free person. There is not male and female for you are all one in Christ Jesus. We are reminded of this universality of the Catholicity of salvation. At ito po ang ibig sabihin ng Katoliko - bukas sa lahat. Ang grasya ng Diyos ay para po sa lahat. Kailangan po natin na itoý ating matutunan.

Kaya ngayong taon sa ating simbahan sa ating Pilipinas ay pinapaalalahan tayo nito - this is the Year of Ecumenism. Ang ibig sabihin ng Ecumenism ay ang pagsisikap ng pagkakaisa ng lahat ng mga kumikilala kay Kristo. Ang nakakalungkot, kumikilala tayo kay HesuKristo na tagapagligtas na siya ay tunay na Diyos at tunay na tao, pero, nagpapangkat pangkat naman tayo. Kami ay Katoliko Romano sila aya mga Methodists, sila ay mga Evangelical o kaya mga Pentecostal at marami pang iba.

This year is the Year of Interreligious Dialogue. Kahit na ano pa man an gating relihiyon, tayo ay mananampalataya. We are believers in God. We do not need to keep away from each other much less be antagonistic to each other. Christians against Moslems, Buddhists against Hindus, Hindus against Moslems at iba pa.

This is the Year of Dialogue with Indigenous Peoples. Ang mga katutubo, ang mga Lumad ay mga Pilipino rin. Iba lang ang kulay ng kanilang balat. Iba ang kanilang pananamit. Iba ang pamumuhay nila pero kapwa tayong Pilipino. Ang ating pagkakaiba ay nagpapayaman sa ating kultura. God accept us all. God created us all and we will all meet in God.

We have also to learn this inclusivity even us Filipinos. Kasi dito nagkakapangkat pangkat pa rin tayo. Malakas sa atin ang regionalism. Ang unahain sana natin ay ang ating bayan hindi ang ating region. Marami ang nagbubulag bulagan dahil sa kanilang region. Kahit na hindi tama ang ginagawa ng kanilang politiko o ng kanilang kandidato, okay lang sa kanila kasi galing sila sa aking region – Bisaya yata yan o taga Mindanao yan, o Ilocano yan, o Bicolano yan. Ang uunahin natin ay ang common good – pangkalahatan, kabutihan ng pangkalahatan at hindi ang good ng aking pamilya, ng aking region, ng aking ka-batch, ng aking ka-eskuwela.

It is really a challenge to be Catholic, to be universal. Lalo ngayong nasa krisis tayo, kailangan natin ng pagkakaisa. COVID-19 is teaching us to be one. Let each one be counted. Isa lang ang magpabaya, mai-infect ang lahat kaya hindi natin sasabihin, ay ayaw ko ng facemask mainit. Gusto kong lumabas. But we are always connected to each other. Our concern hindi yung gusto ko kundi yung kapaligiran ko yung ibang mga tao. Because of this, we should always be concern about the common good.

Nakakagalit ang eskandalo sa Philhealth. Sa panahon na marami ang nagkakasakit, na kailangan ng mga ospital ang pondo, ang pera ng bayan at ang pera ng Philhealth ay pera ng mga Pilipino ay winawaldas and it runs into billions.  Where is the care for the common good here? God have mercy on us. “

So much injustice is being discovered now. Let us hope and pray that there is no cover up that those responsible be held accountable and that the Philhealth system be cleansed and be entrusted to trustworthy and competent people. Sana hindi mauwi ang imbestigasyon sa wala tulad ng nangyari noon sa mga dialysis centers anomaly. At tulad ng mga anomaliya sa over pricing ng PPEs sa DOH. Ano ang nangyari sa mga ito? Nagtatanong lang po.

There are people who may say, namumulitika na naman si Bishop. Panghihimasok ba ito? Na ito’y dapat concern ng lahat ng mananampalataya? Si Hesus ay nagpagaling noon at nagpapagaling pa siya ngayon sa pamamagitan ng mga kamay ng mga doctors at nurses natin. Kasama ng ating mga dasal ipaglaban din natin na ang mga doctors at hospitals should receive the necessary support and budget which Philhealth partly provides.

God wants all to be saved. Hindi dapat mapahamak ang mga mahihirap na kailangan ng treatment at ng gamot. Hindi ba dapat concern ng ating pananampalataya na ang mga resources ng gobyerno para sa may sakit ay magamit ng maayos? Hindi ito usaping politika. Usapin ito ng katarungan at pagmamahal sa mga mapapabayaan kung patuloy na mawawala ang pera ng Philhealth.

Pope Francis wrote in his document Evangeli Gaudium, “The Church’s pastors have the right to offer opinions on all that affects people’s lives since the task of evangelization implies it and demands integral promotion of each human being.”

The issue of health, the issue of corruption, the issue of good governance affect people’s lives. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

 

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer