Homily delivered by Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator during the online Sunday Mass on August 9, 2020, at 10 a.m.


Ang Panginoong Diyos ay Panginoon ng kasaysayan. He is Lord of history. Ang ibig sabihin nito, ay ang Diyos ay bahagi ng kasaysayan. He is not only up there but he is here with us. He walks with us in our story and He guides our story. May patutunguhan ang mga pangyayari sa ating buhay at sa ating kasaysayan because He is leading us toward salvation. Kaya hinahanap natin ang kanyang presensiya sa mga nangyayari sa atin.


Most Rev. Broderick S. Pabillo, Apostolic Administrator of Manila
Photo Credit: San Felipe Neri Parish Facebook Page 

Ganun ang nangyari kay propeta Elias noong siya ay hanapin ni Reyna Dyesebel upang ipapatay. Naglakbay ang propeta ng apat napung araw papunta sa Bundok ng Horeb na siya ring Bundok ng Sinai. Gusto niyang makatagpo ang Diyos doon. Ang Diyos na nakipagtagpo kay Moses, mga limang daan taon na ang nakaraan.

Noong bumaba ang Diyos sa Bundok ng Sinai noong panahon ni Moses, dumating siya sa gitna ng mga kulog, ng kidlat, ng malakas na lindol, ng malakas na hangin. Pinadama niya ang kanyang kapangyarihan at natakot ang mga Israelita kaya sinabi nila kay Moses, “Ikaw na lang ang makipagtagpo sa Diyos sa itaas ng bundok. Sabihin mo na lang sa amin ang mensahe niya. Takot kaming makaharap siya.”

Pero ngayon sa kaso ni Propeta Elias, ang Diyos ay wala sa malakas na hangin ni sa malakas na apoy, ni sa lindol. Natagpuan ang Diyos sa mahinahon na ihip ng hangin. Kakaibang paraan pero nakipagtagpo ang Diyos.

Ganun din sa ating ebanghelyo, dumating si Hesus sa mga alagad na binabayo ng malakas na alon at hangin. Dumating siya sa paraan na hindi inaasahan. Lumalakad sa tubig kaya napasigaw sila ng, “Multo! Multo!” Oo, dumarating ang Diyos pero handa ba tayong tagpuin siya sa paraan na hindi natin inaasahan?

Sa ating Ikalawang Pagbasa, pinakita sa atin ni San Pablo ang kanyang pagmamahal sa kanyang mga kalahi, sa kanyang mga kababayan. Sa mga sulat ni San Pablo, dinidiin niya na tayo ay maliligtas hindi dahil sa ating pagsunod sa batas ni Moses. Hindi lang ang mga Hudyo ang maliligtas pati na rin ang mga Hentil, ang mga hindi Hudyo kasi maliligtas tayo not through circumcision but through faith in Christ Jesus. It is not belonging to one race that is important. We should belong to Christ in faith in Baptism.

Kaya tuloy maaaring masasabi ng iba na si San Pablo ay walang pagmamahal sa kanyang kapwa Hudyo. That is not true. St. Paul recognized the privilege position of the people of Israel. To them belongs the covenant. They are the chosen people. From them would come the Messiah in the flesh. Oo, si Hesus mismo ay isang Hudyo.

Ganun na lamang kamahal ni San Pablo ang kanyang bayan na handa siyang mapahamak basta lamang maligtas ang Israel. St. Paul had a great love for his people.

Ngayon po nasasaksihan natin ang mga masasamang pangyayari sa ating bansa. Tayo na ang nauuna sa Asya sa bilang ng coronavirus cases. Nakakahiya ito at nakakabahala. Ang ibig sabihin matatagalan tayo bago magkaroon ng maaayos ng economic recovery. Patuloy ang matamlay o naghihingalong ekonomiya.

Nakakalungkot pa walang pinapakitang kpanipaniwalang paraan ang ating gobyerno para sugpuin ang health at economic issues na ito. Sa halip, inaaarangkada pa sa kongreso at sa senado ang pagpasa ng death penalty. Sinisisi pa ng ibang tao ng pamahalaan ang mga health care workers natin na hindi daw maayos ang trabaho o naglalayon lang daw sila na pabagsakin ang pamahalaan. Nakakahiya ang ating bayan ngayon.

Ano ba ang attitude natin sa bayan sa ganitong kalagayan? Marami ay walang kibo. Hayaan mo na sila diyan sa pamahalaan basta ang mahalaga ay maka-survive kami. Sana naman mabahala tayo dahil sa mahal natin ang ating bayan.

Sa ganitong kagipitan dapat lumabas ang pagmamahal at pagmamalasakit sa bayan. Yan ang ginawa ng mga doctors, nurses at health care workers sa kanilang open letter na lumabas nong nakaraang Sabado. They wrote because they cared. They cared that seemingly our response to this health crisis is not enough. They called for a time out not just to rest but to evaluate better our approaches. They do not want that we become like New York where people just die in their homes and in the streets because hospitals could not accept them anymore.

Hinahanap natin ang Diyos. Nandito siya pero dumadating siya sa paraan na kakaiba na hindi natin inaasahan. Maaari kayang matatagpuan natin siya sa ating pagmamahal sa bayan?

We are told in the letter of John, “Where love is, there is God because God is love.” So, St. John wrote, “We have come to know and to believe in the love God has for us. God is love. Whoever remains in love, remains in God and God in him.”

When we think of love, we often think of personal love, the one on one love or the love in a small group as in our families and among our friends. But love also has a macro aspect, a social aspect. Love of country is also love. And when there is love of country, God is there. But do we have this love of country in us? Love for our kababayans?

There are so many people who suffer. Many are sick. Many have no jobs. Many are hungry. This is not just because people are pasaway. There is something wrong in the governance. May mali sa pagpapalakad ng pamahalaan kaya tayo ganito. Hindi ba tayo mababahala? Magwawalang kibo na lang ba tayo?

Handa si San Pablo na mapahamak ang sarili niya basta lang maligtas ang kanyang kababayan. Bakit tayo umiiwas na magsalita? Umiiwas na kumilos. Takot tayong mapagbintangan ng mga trolls? Mabagbintangan na mga rebelde? Takot baa ng dapat magpakilos sa atin o pag-ibig? Pag-ibig sa bayan. Kasama din sa pag-ibig sa bayan ay ang pagsikap na tayo mismo ay hindi makahawa ng sakit kaya nga may mga protocols tulad ng wastong paggamit ng facemask, na hindi lalabas labas ng walang dahilan, na magkaroon ng physical distancing, na malimit maghugas ng kamay. Mga maliliit na bagay pero kung gagawin ng lahat, ng lahat tayo, malaki ang maitutulong para sa bayan.

Mga kapatid, hanapin natin ang Diyos. Bahagi siya ng ating kasaysayan. Nakikilakbay siya sa atin. Tinatagpo niya tayo pero marahil sa mga paraang hindi tulad ng dati tulad ng pakikipagtagpo niya kay Propeta Elias sa Bundok ng Horeb. Kakaiba sa pagpapakita niya kay Moses tulad ng paglalakad ni Hesus sa tubig na pinagkamalan siyang multo. Pinapakita sa atin ni San Pablo na kahit na tinutuligsa tayo, tinutuligsa siya ng kanyang kapwa Hudyo, malaki ang pagmamahal niya sa kanyang bayan.

Sa ating pagmamahal sa ating bayang Pilipinas dito rin matatagpuan natin ang Diyos. Huwag tayong magwalang bahala sa mga nangyayari sa atin. Huwag nating hayaan ang ating mga senador at kongresista na gumawa ng batas na immoral, ng batas na pumapatay. Sabihin natin sa kanila, pansinin ninyo, sagutin ninyo ang daing ng mamaayan na naghahanap ng trabaho, ng pagkain, ng sapat na gamot. Yan dapat ang pagkakaabalahan ninyo.

Baka ito na ang Diyos na lumalapit sa atin. Diyos na nagpaparamdam sa atin sa pamamagitan ng kawawang kalagayan ng ating bayan. Pasakayin natin siya sa ating bangka. Mahalin natin ang bayan. Yakapin natin ang Diyos ng kasaysayan. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer