Sto. Nino, Larawan ng Liwanag at Pag-asa


Masayang sinalubong ng pamayanan ng Kambal na Krus ang Motorcade ng orihinal na imahe ng Sto. Nino de Tondo bilang paggunita sa ika-48 taong anibersaryo ng Pagkakabalik ng Imahe ng Sto Nino sa Simbahan ng Tondo.


Sa unang pagkakataon ay naisama ang Raxabago Street sa ruta ng Motorcade. Ang Kapilya ng Kambal na Krus na nasa ilalim ng pangangalaga ng St. Joseph Parish Gagalangin ay nasa ilalim noon ng pag-iingat ng Sto Nino de Tondo Parish bago maitalaga ang St Joseph Parish Gagalangin noong 1905.


Taos-pusong nagpapasalamat ang Pamunuan ng Kambal na Krus Chapel Community at ang Kura-Paroko ng Parokya ng St. Joseph Parish Gagalangin, Rev. Fr. Joselino B. Tuazon sa Pamunuan ng Archdiocesan Shrine of Sto Nino de Tondo, sa pamumuno ng kanilang Rektor at Kura Paroko, Rev. Fr. Estelito E. Villegas sa biyayang ito na nagdulot ng pag-asa at Liwanag sa puso ng mga mananampalataya. (Eijay Valerio de Paz/SOCOM/Kambal na Krus Chapel) 

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer