Wednesday, 08 July 2020 14:15

Homily delivered by Most Rev. Broderick Pabillo during online Sunday Mass on July 5, 2020, at 10 a.m.


Sa mga pangangamusta natin ngayon, madalas ang natatanggap natin na sagot ay, ang hirap ng buhay. Kahit na nasa lockdown tayo at halos walang ginagawa, pakiramdam natin ay pagod tayo. Ang bigat nito ay hindi dahil sa maraming ginagawa ngunit dahil sa pasaning pangamba - kung ano kaya ang kinabukasan natin? Ano kaya ang kahihinatnan natin? Ng ating business? Ng ating trabaho? Ng ating pag-aaral? Ng ating pamilya?

Yan yung mga mas mabigat na dinadala natin. Iilan lang naman ang nagpapasan ng karamdaman ng sakit ng COVID-19. Mas marami ay nagpapasan ng walang kasiguraduhan sa kinabukasan.

That is why the words of the Lord Jesus today is like a refreshing water on a hot day, “Come to me all you who labor and are burdened and I will give you rest.” We need this comforting words so we long to come to Jesus, we long to receive Him. This is why religious services are essential services.


But we are surprised. Ang karaniwang pagkakaalam natin sa kapagpahingahan at iyun ay walang ginagawa. Natutulog lang. Bakit sabi ni Hesus, nabibigyan niya tayo ng kapahingahan pero kaagad dinugtong niya, “Pasanin ninyo ang aking pamatok.”

Ang pamatok, the yoke, ay ang nakalagay sa leeg ng Kalabaw upang mahila niya ang karga o kaya makapag-araro siya. Kaya ito ay tanda ng trabaho ng pasanin.

Jesus gives us rest but He does not want us to be lazy. To rest in Jesus is to take His yoke and to follow Him. And here, He precisely tells us how to follow him: His meekness and His humility. It is these that will keep us from a burdensome life.

Naging mabigat ang buhay hindi dahil sa pasanin. Naging mabigat ang buhay dahil sa akala natin tayo lang ang nagdadala ng lahat na nakapatong sa atin ang buong responsibilidad. At bakit kasi sinosolo natin? Kasi wala tayong tiwala. Kulang tayo sa kababaang loob na hindi tayo nag-iisa.

This is why Jesus said, “Learn from me for I am meek and humble of heart.” We have the impression that meekness is weakness, that it is softness.

Nagpapabaya lang kahit na anong gawin sa kanya. Yan nga ba ang mababang loob? Natatanggap ng tao ang mababang loob ang pinaparatang sa kanya at kahit na ang pasakit sa kanya kasi malakas ang kanyang tiwala na hindi siya mababayaan.

We find the picture of the meekness of Jesus in this description of the prophet Isaiah, “I gave my back to those who beat me; my cheeks to those who tore out my beard; my face I did not hide from insult and spitting. The Lord is my help therefore, I am not disgraced. Therefore, I have set my face like flint knowing that I shall not be put to shame.” Hindi siya nag-re-react sa anumang gawin sa kanya – hampasin, duraan, insultuhin kasi napakalakas ang kanyang tiwala sa Diyos. Hindi siya mapapahiya.

Yan ang kababang loob ni Hesus. Yan ay kalakasan. Hindi dahil sa dahas, sa sariling tapang, sandata o lakas kundi dahil sa kanyang tiwala kaya siya’y malakas kaya mababa ang kanyang loob.

Ang ating Unang Pagbasa ay hango sa Aklat ni Propeta Zecharrias na binabasa din natin tuwing Linggo ng Palaspas. Dito inilalarawan ang isang haring matagumpay na pumasok sa lungsod. Pero kakaiba siya sa mga matatagumpay na mga hari at heneral na upang ipakita ang kanilang kadakilaan, sila’y nakasakay sa chariot o sa isang Kabayong pandigma. Matagumpay yata siya. Pero ang haring ito ay nakasakat sa Asno, isang hayop na pangkarga at hindi pandigma. Haring matagumpay pero mababa ang loob. Hindi ba yan si Hesus pagpasok niya sa Jerusalem? Kinikilala siya ng mga tao. Pinupugayan ng mga palaspas pero hindi siya pasikat na sakay lang sa isang hiram na Asno.

Sa totoo lang, ang nagpapahirap sa ating buhay ay hindi ang ating responsibilidad o ang ating pasanin kundi ang ating kayabangan, ang ating mataas na pagtingin sa ating sarili. We always try to live us to the expectation of others that maybe form the boss, from colleagues and friends, the peer pressure or from competitors or even from our family members or relatives who unfortunately, nothing for them is enough.

This is especially true in our world which promote a cult of efficiency and productivity. You are only as good as the work that you can deliver. So, we struggle to show to others that we can produce and so, we are reliable and needed.

Jesus said, “Learn from me for I am meek and humble of heart. And you will find rest for your soul.” Yes, it is not so much our bodies that need rest but our souls. The aches of our soul just manifest psychomatically into our bodily pains. Kailangan natin matanggap ang ating sarili. Gawin ang ating makakayanan at ipaubaya sa Diyos ang ating gawain at ang ating kinabukasan.

Mahal ng Diyos ang mga may mga mababang loob. Hindi ba sabi ni Hesus na kung hindi tayo magkakaroon ng kababaang loob tulad ng isang bata, hindi tayo makakapasok sa kaharian ng langit.

Noong ako’y batang pari pa, sinasamahan ko ang mga seminarista sa kanilang exposure trip at isa sa mga exposure trip na yun ay sa Bundok ng Banahaw. Ang mahiwagang bundok ng mga espiritista.

Minsan, may pinasukan kaming isang maliit na kuweba na ang tawag ay “Pinto ng Langit”. Napakababa ng butas at kailangang talagang dumapa upang makapasok doon at sa loob ay may malaking kuweba na may malinis at magandang ilog na mapaglalanguyan.

Sabi ng guide namin, “Ang tawag dito ay ‘Pinto ng Langit’ kasi kailangan mong magpakababa. Talagang dumapa para makapasok doon tulad ng sa langit hindi makapapasok doon ang mga mapagmataas.”

Jesus prays and thank God in His prayer that we heard today. He praise God and He Himself is happy about it that the Father reveals the secret of the kingdom to the simple and the humble, the learned in the things of God are not those who have doctorate in universities but those who are lowly and who trust God.

We hear His words from the Book of the Prophet Isaiah, “My hand made all these things when all of them came to me oracle of the Lord. This is the one whom I approved, the afflicted one crushed in spirit who trembles at my word.” Ang Diyos na may likha ng lahat ay natutuwa sa mga mababang tao na umaasa sa Kanyang salita.

One of the highlights that we had during this lockdown was a Consecration to Mama Mary that we did on May 13, in the Manila Cathedral led by the five mayors of the cities of Manila, Makati, Mandaluyong, San Juan and Pasay.

May 13, was the feast of Our Lady of Fatima. Noong nagpakita si Mama Mary, nagpakita siya sa Fatima na isang maliit na sitio lang noon at hindi kilala at nagpakita siya sa tatlong maliliit na bata na siyam, sampu at labindalawang taong gulang pa lamang. Mary gave the secrets of Fatima to mere children. Talagang natutuwa ang Diyos sa mga maliliit na bata. Humility attracts God. Maraming mga tao na dahil lang sa kaunting nalaman hindi na naniniwala sa Diyos; hindi na nagdarasal; kaya na niya ang lahat hindi nila kailangan ang Diyos.

Now, in this pandemic, we are shown how fragile the world and its systems that we are trying to build. Dahil lang sa maliit na virus, tumigil ang lahat. Takot na tayo sa kaaway na hindi natin nakikita. At hanggang ngayon kahit na ang ating mga doktor at dalubhasa ay hindi pa rin alam kung ano itong COVID-19 na ito. We thought we know many things that we can explore the stars, that we can thinker with life, that we can…knowledge with our computers and our artificial intelligence. The coronavirus puts us in our place. It humbles us. Our globalized world crumbles. Our economy limpers. We are humbled and we should stay humble if we want to become great.

Kaya yan nga ang kinasasama ng loob natin sa tinatawag na Terror Bill na kapipirma lang ng president ng naging Terror Law ay talagang na-terrorize tayo. Kasi po akala nila malalaman nila kung sino yung terrorista. Sila ang magdedecide kung sino yung may balak na magpabagsak ng gobyerno kaya nakakatakot ang batas na ito. Yan ay batas na tinatanggap ng mayayabang upang maapi ang mga mamayanan.

Kaya tinatawagan tayo ngayon ni Jesus, lumapit tayo sa kanya. Matutuo tayo sa kanyang kababaang loob. Papahingahin niya tayo not only during this time of the lockdown but always even after na bumalik na tayo sa ating mga gawain, patuloy siyang magpapahinga sa atin.

 

If we realize that we are not alone, He carries our burdens not only He carries us. Do we allow Him? Do we trust Him? (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer