Thursday, 02 July 2020 09:08

Homily delivered by Most Rev. Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during online Mass on June 28, 2020, at 10 a.m.


Happy fiesta po dito sa inyong sambayanan. Nakakalungkot kasi alam ko kapag fiesta ay punung puno ng tao ang ating simbahan, dinadayo pa kayo pero ngayon iilan lamang tayo.

Pero alam ko marami rin nasa online ay nakikisama sa atin sa fiestang ito ng Perpetual Help, Inang Laging Saklolo. At lalung lalo na kailangan natin ang tulong ng ating Mahal na Ina sa panahon ng kahirapang ito. Kaya patuloy po tayong tumawag sa kanya, alam natin siya ay ating laging saklolo.

Napakatindi ng karanasan nitong coronavirus pandemic na ito. Binago nito ang takbo ng ating buhay. Hindi lamang sa loob ng isang daang araw ng higit. May mga dalubhasang nagsasabi na maaaring abutin pa tayo ng isa o dalawang taon sa ganitong buhay.

Ang malaking pagbabagong ito ay magdadala rin ng pagbabago sa ating mga ugali, sa ating mga pananaw, sa ating value system, sa ating mga gawi.

Isang asal o ugali na nagbabago dala ng panahon ay ang ating hospitality o pagtanggap sa ating kapwa. We are known to be a hospitable people. Maluwag tayong tumatanggap sa iba ngunit ngayon ay hindi na. Natatakot tayo sa ating kapwa. Hindi na tayo gaanong nagpapapasok sa ating mga bahay kahit na nga mga kakilala o kamag-anak, baka may virus sila. Baka magdala sila ng sakit sa atin. Sana, itong pag-iwas sa kapwa ay pansamantala lamang. At hindi maging isang bagong ugali.


Isa pang pagbabago na dumadating sa atin ay yung ating pananaw sa kamatayan. Bakit ba tayo takot sa virus? Kasi takot tayong madapuan ng sakit na ito na wala pang lunas. Takot tayong mamatay at ang posibilidad ng kamatayan ay malapit kung pati na ang mga doktor at mga nurse ay namamatay, tayo pa kaya? 

So, let us confront ourselves. How do we see death? This question is related to how do we see life. Life and death are related to each other. There is this paradox, “Acceptance of death make us live fully and freely. Whereas fear of death and avoidance of death diminishes our enjoyment of life.”

Hindi na siya nabubuhay kasi wala nang ginawa kundi umiwas sa kamatayan dahil nga sa takot sa kamatayan, hindi na lumabas ng kuwarto. Buhay nga pero nasa loob ng kuwarto. Buhay ba yan? Dahil sa takot sa aksidente hindi na naglalakbay, kinulong niya ang buhay niya dahil sa takot sa kamatayan.

Jesus said, “Whoever finds life will lose it. Whoever loses his life for my sake will find it.”

Yang walang ginagawa kundi nagpapasarap lang sa buhay, masaya ang buhay, ayaw ang hirap, ayaw mag-effort kasi mahirap, ayaw mahirapan sa pag-aaral, mahirapan sa trabaho, hindi yan aasenso. Yung kain ng kain kahit na ano kasi masarap na walang control sa pagkain, yan yung madaling magkasakit.

You have to die to yourself, to deny yourself, to confront yourself so that you will succeed. Para makagawa ng mabuti kailangan paghindian ang ating hiling lalu na kung ang mga yun ay masama.

This is the meaning of the cross for us. The cross is something that is adherent, something that we do not like because it is difficult. Maybe our duties, our assignments, a difficult person we have to deal with but we have to take it up and carry it. Jesus died on the cross and then he got new life. The resurrection is not only a return to his former life. It is new life. We first joined in this process of dying and having new life when we were baptized. We died to our own sinful selves in the waters of Baptism so we will rise up to the life of God.

So, St. Paul wrote, “You must take yourselves as dead to sin and living for God in Christ Jesus. Dead to sins – hindi na nabubuhay sa kasamaan. Tinatalikdan na natin ang anumang masama kahit na itoý masarap.

Living for God, para sa Diyos. Para sa Diyos na ang buhay natin. Handang itaya para sa Diyos at dito talaga natin mararanasan ang buhay na masaya at buong sigla.

Kung handa tayo sa kamatayan, hindi tayo gaanong matatakot sa iba. At magiging bukas tayo sa iba. Every act of generosity and hospitality always brings about some risk - baka maloko tayo, baka magkasakit, baka mawalan tayo.

Unfortunately, we have been so calculating and this prevents us from being generous and open to others. We have to let go, kailangan tayong magbitaw upang tayo ay makatanggap. Kung sarado tayo sa pagbibigay, sarado din tayo sa pagtanggap.

Ito yung sinasabi sa atin na kahit na sa panahong ito ay dapat maging maluwag ang ating loob sa pagbibigay. We need to sow in order to harvest. And the more we sow, the more we can harvest.

St. Paul wrote, “Consider this, whoever sows sparingly will also reap sparingly. And whoever sows bountifully will also reap bountifully.”

In our First Reading, we have heard the generosity of the unnamed woman of influence. May kaya ang babaeng ito at tinanggap niya ang propetang si Eliseo. Palaging pinapatuloy sa kanyang bahay at pinaghahandaan ng kwuwarto upang kapag dumaan doon ang propeta ay may mapagpapahingaan siya. Tulad ng sinabi ni Hesus sa ebanghelyo,”Whoever receives a prophet because he is a prophet will receive a prophet’s reward.

Ang Diyos at ang mga taong malapit sa Diyos ay marunong tumanaw ng utang na loob. Kahit na may kaya ang pamilya, may mga bagay na hindi makukuha ng kanilang kayamanan tulad ng isang anak. Walang anak ang mag-asawa at ito ang ibinigay ng Diyos sa kanila dahil sa panalangin ni propeta Eliseo.

At kung ipagpatuloy natin ang pagbabasa ng kuwento, paglaki ng bata, isang araw ito’y nagkasakit at biglang namatay. Siguro na-heat stroke. Pinatawag ng babae si Eliseo at ito’y dali daling dumating at binuhay ang bata. Talagang sinusuklian ng Diyos ang anumang kabutihan na ginagawa natin sa kanya at sa kanyang mga alagad.

Hindi ba sinabi ni Hesus, “Kung sino mang magbigay kahit na isang basong malamig na tubig sa isa sa mga maliliit na tao dahil sa siya’y alagad ko, hindi siya mawawalan ng gantimpala.

Totoo na mahirap ang buhay ngayon, pero ang kahirapan na ito’y hindi sana maging dahilan na maging sarado tayo sa pangangailangan ng iba. Dapat nga mas maging bukas tayo sa kanila kasi alam natin na mahirap ang panahon. Huwag tayong mag-alala, may isang nakakakita ng bawat kabutihan na ginagawa natin.

Many of us when we were growing up were told by our parents and elders that God can see all the bad things that we do. This often was their way to admonish us so we do not misbehave. It is true but let us not forget that God sees all. Nothing is escape his knowledge but...

Nakikita ng Diyos hindi lang ang lahat ng kasamaan na ginagawa natin. Nakikita din niya ang lahat ng kabutihan kahit ang pinakamaliit na ginagawa natin sa pinaka aba, alam yan ng Diyos.

Kaya yung ating pagpo-Pondo ng Pinoy, yung mga beinte singko na inilalagay natin para sa mga mahihirap, yan ay bilang ng Diyos. Yan ay alam ng Diyos.

Hindi ba sinabi sa Banal na Kasulatan in the Book of Proverbs, “Whoever cares for the poor, lends to the Lord who will pay back the sum in full.” Magbabayad ang Diyos sa kanyang mga utang. Marunong siyang magbayad sa utang nya.

Sana hindi magbago ang magagandang ugali natin ngayong panahon ng pandemic. Ang ating hospitality, ang ating generosity, ang ating pananaw na hiram lang sa Diyos ang buhay natin kaya hindi tayo natatakot o nanghihinayang na ibalik ito sa kanya.

Isa pang bagay na pinapaalaala sa atin ngayon ay ang wastong pag-prioritize. Hindi naman masama ang magmahal sa pamilya, sa ating buhay mismo kaya nga may utos na igalang mo ang iyong mga magulang, mahalin mo ang iyong kapwa, huwag kang papatay at kasama na diyan ang pagpatay sa sarili, ang suicide. Pero alalahanin natin ang unang utos – “Mahalin mo ang Diyos ng higit sa lahat ng buong puso ng buong kaluluwa ng buong pag-iisip.”

Uunahin natin ang Diyos kaya kung inuuna natin ang iba kahit na ang ating pamilya, ang ating buhay mismo, hindi na tayo karapat dapat kay Hesus.

Paalaala ito ni Hesus sa kanyang magulang noong siya’y labindalawang gulang pa lamang. Nagpaiwan siya sa Templo ng Jerusalem at nung makita siya ng kanyang mga magulang pagkatapos ng tatlong araw ng pag-alala ay pinagsabihan siya, “Anak, bakit naman ginawa mo ito sa amin?” sabi ni Maria. “Alalang alala kami ng iyong ama.” At ang sagot ni Hesus, “Bakit ninyo ako hinahanap? Hindi ba ninyo alam na ako ay dapat nasa bahay ng aking Ama?” Conscious si Hesus na mas mahalaga sa kanya ang kanyang relasyon sa Ama. Sa Ama niyang nasa langit kahit na siya ay masunurin sa mga magulang niya sa lupa.

Mahalaga ang katuruang ito. Ang Diyos ang uunahin natin at ibig sabihin nito ay huwag tayong gumawa ng anumang bagay o sumunod sa anumang utos na salungat sa kanya. Sa bandang huli sa kanya naman tayo mananagot at hindi sa kanino mang boss o kahit na sa president pa. Let us be true to God. This means let us be true to our right conscience guided by the Word of God so that we can be true sons of Jesus.

At dito po binibigyan kayo ng halimbawa ng ating Mahal na Ina. Ang kanyang katapatan kay Hesus hanggang sa kanyang pagkapako sa krus, nandoon ang Mahal na Ina.  Sana ganun din tayo katapat kaya hilingin natin ang tulong ni Mama Mary hindi lang sa ating mga pang araw araw na pangangailangan kundi lalo’t higit hingin natin ang tulong niya na maging tapat tayo kay Hesus at hindi mawala ang mabubuting ugali natin ngayong panahon ng pandemya. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2020 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer