Tuesday, 12 May 2020 14:13

Homily delivered by Most Rev. Broderick Pabillo during online Sunday Mass last May 10, 2020, at 10 a.m.


Every group at one point or at even several points of its life encounters problems. There are even times that these problems are created by their very own successes not necessarily by their failures. What do we do when we meet these problems whether that be our families, our associations or church groups, the barangay, business ventures, or another organization.

The experience of crisis can drag the group down or can also be a great push for growth. Hindi rin naiiba ang simbahan sa kalagayang ito kahit na ang simbahan ay hindi lang organisasyon o institusyon. Tulad ng ibang grupo, siya rin ay nakakatagpo ng krisis ng problema. Isa sa mga ito’y nakasaad sa atig Unang Pagbasa. Isa sa mga unang krisis na kinaharap ng mananampalataya.


Ang ganda ng samahan ng simbahan noon. Nagkakaisa sila sa diwa’t puso. Walang mahirap sa kanila dahil sa wala naming mayaman. Ang mga may-ari tulad ni Bernabe ay pinagbibili ang kanilang bahay at lupa at ibinibigay ang pinagbilhan sa mga apostol na sila naman ang nagbabahagi nito sa mga nangangailangan.

Ang pagbibigayang ito ay hindi sapilitan. Kusang ginawa ito dahil sa naniwala sila na sila ay tunay na magkakapatid at nagbabahagi sa bagong buhay na ibinigay sa kanila ng Espiritu Santo. If they are one in God’s spirit, why can’t they be one in supporting each other even materially. Because of this way of life, many joined the church. The Church grew not only because of the message reached by the apostles but also by the witness of life that the members of the group showed by living a life of communion.

Ngunit nangyayari na ang success ay ang nagiging dahilan sa ating mga problema. Ganyan ang nangyari sa simbahan. Dahil sa napakarami ang sumali, hindi na magampanan ng mga apostol ang mga gawain kaya nagreklamo ang isang grupo – ang mga Helenist. Ibig sabihin ang mga miyembro na nagsasalita ng Griyego na ang mga balo nila ay hindi natutulungan tulad ng mga balo ng mga nagsasalita ng Hebreo. “Unfair,” ang sinigaw nila. “May favoritism.” Hindi ba yaan din ang  daing ng mga grupo kahit na sa ating mga pamila. Unfair! Bakit siya lang ang napapansin ni lola? Bakit sila lang ang nakakatanggap ng gift certificate o ng bigas at hindi kami? Bakit sila’y work from home at kami ay papasok pa sa opisina? Malaking problema. Nasisira ang harmony ng samahan.

Maganda ang ginawa ng leadership ng simbahan. Kinilala ng mga apostol na may problema. They recognized that there is a problem. No crisis can be solved if it is not first of all recognized. Yan ang nangyari sa coronavirus. Lumagananp ito ng mabilis sa ibang mga bansa kasi hindi agad kinilala na ito’y isang malaki problema. Nagpabaya sila. Ganun din, maraming nagbibingi-bingihan, maraming nagbubulag-bulagan sa mga problema ng daigdig.

The apostles recognized there was a problem and they did not blame anybody. They accepted the responsibility. Hindi na naming kaya na gampanan ang gawaing ito. Marami na ang paglilingkuran. Nag-suggest sila ng solution. Hindi namin magagawa ito pero dapat hindi pabayaan ang magandang gawain ng pagtulong sa mga balo.

So, they created a new ministry. This work is to be given to others. They delegated the job. They delegated because they were unable to prioritize their own responsibility - magdasal at magpahayag ng Salita ng Diyos.

There are so many things that we can learn from here. The apostles did not only recognized the problem, they offered a solution. O, there are so many people who just point at problems but make no effort to find solutions. They look for problems and blame others for them. Inako ng mga apostol na hindi na nila kaya, kaya pinauba sa iba. Hindi naman maaaring pabayaan ang gawaing ito because the work of charity is essential to the church from the very beginning. In fact, it was one of the works of Jesus. He went around doing good taking care of the needs of others.

So, the apostles set up the Ministry of the Diaconate, that is the ministry of service. Service at tables, pagbibigay ng sustento sa mga balo. We see here that from the very beginning, the church has already been taking care of the vulnerable members of society. The apostles were able to delegate because they were able to prioritize what is proper to them. Kinilala ng mga apostol ang kanilang limitasyon at ayaw nilang maiwanan ang mga gawaing mahalaga sa kanila – ang pagdadasal at ang pagpapahayag ng Salita ng Diyos.

Nabibigyan pa ba ng priority ang mga ito lalung lalo na sa ating mga kaparian? Do they take time to pray? Do they take time to study the Bible and prepare their homilies? Minsan lang nangyari sa akin na sa pagdalaw ko sa isang parokya at hinahanap si father, ang sagot sa akin sa opisina, “Bishop, nasa chapel po ngdadasal.” Saan busy si father? Nandoon nagca-canvass ng semento para sa construction. Nandoon nagba-budget ng mga gastos sa opisina o nandoon nakikipag-usap sa barangay. The priest is busy with the myriad of things which are also important to make the parish run. Because probably that he is not able to delegate these activities so that he can pray and know the Word of God or there are no lay people who can help him and be entrusted with these jobs.

Now, we are adjusting many things to make our churches safe when we will be allowed to make our religious services. We will be looking for younger people to volunteer in the church. Marami sa masisipag nating volunteers ay matatanda na, na ipinagbabawal munang lumabas. Will we get enough young volunteers? Baka naman pagdating ng araw si father pa ang magdidisinfect ng mga upuan. Magandang sabihin, “Father ako na muna diyan para makapagdasal ka.” Kung mas matapang pa sasabihin, “Ako na po munang gagawan niyan para makapaghanda ka ng homily mo.”

Minsan mahirap din kumuha ng mga volunteers dahil sa marami tayong requirement sa kanila. Ano ang qualifications ng magiging deacons? Sinabi ng mga apostol, “Select among you seven reputable men filled with the Holy Spirit and with wisdom.” The qualifications ay hindi ano yung alam niya, ano yung kanyang experience, ano yung kanyang pinag-aralan. Pero mga inner qualities at honorable man. Isang maaasahan isang may integridad hindi kilalang masama, full of the Holy Spirit and wisdom. Ginagabayan ng espiritu ng Diyos at hindi ng espiritu ng mundo na tinatawag ni Pope Francis the “Spirit of Worldliness.”  At may karunungan na hindi galing sa pag-aaral ngunit galing sa karanasan.

Inner qualities are important to serve the church. It was the same at the job interview of Jesus to Peter by the shore of Tiberias. Jesus gave him the commission to feed his flock only after asking him, “Do you love me?” And keeping the assurance of Peter’s answer, “Yes Lord, I love you.” Para kay Hesus mahalaga ang pag-ibig – pag-ibig sa kanya. Kapag mahal si Hesus handa tayong maglinkod sa kanyang simbahan.

The selection was done by the community. They presented the seven whom they chose and these the apostles ordained by praying over them and laying their hands on them.

Last Sunday, ito po ay World Day of Prayer for Vocation. Ang Diyos ang tumatawag, siya ang nagbibigay ng bokasyon pero sana kasama ang komunidad sa paghikayat sa mga candidates.  Have we invited someone to serve the Lord even not as priest or religious even just as parish volunteers. Ngayong nangangailangan tayo ng mga bata pang volunteer, dapat tumulong tayo sa paghikayat sa mga kabataan na mag-serve. Marami diyan na pasiga siga parang maton, pero kung imbitahan, ay sasagot naman willing naman na mag-serve. Bring them forward so that the church can form them. And commissioned them for the many services that we need.

Marami ang gawain ng simbahan at mahalaga ang misyon ng simbahan kaya tutol tayo sa pamahalaan sa desisyon nila sa IATF na ipapahuli ang pagpayag sa religious activities. Binuksan na ang bangko, ang mga tindahan, ang mga salon, pinayagan na nga ang pagmimina at hindi pa ang simabahan. Itinuturing lang ito kasabay ng concerts, movie houses at iba pang entertainment. No! The church is not entertainment. The church services are essential services. Why so? Because the mission of the church is to bring us to where Jesus is. Sinabi ni Hesus sa ebanghelyo, “Ibig ko na kung nasaan ako duruin din kayo.” Ang misyon ng simbahan ay ang misyon ni Hesus na dalhin tayo sa ama, “No one comes to the father except through me.” Ang misyon ng simbahan ay ipagpapatuloy ang gawain ni Hesus. Jesus affirms, “Whoever believes in me will do the works that I do.”

Sa government paper, isa sa mga principles na nakalagay doon is to bring about physical, mental and psychological resilience of the people. Ang gawain ng simbahan, ang religious activities upang magkaroon ng mental at psychological resilience ang mga tao. Kaya ito’y essential service na dapat payagan na kagad ng pamahalaan ayon din sa mga sapat na tuntunin sa ating physical distancing.

Sana mga kapatid sa krisis na ito ng coronavirus at sa dahan dahang pagbubukas ng simbahan ay mas malakas tayo, masigasig at masigla. Tulad ng simbahan sa Herusalem, the Word of God continued to spread and the number of the disciples in Jerusalem increased greatly. Ito po ay mangyayari kung hahanapin natin na ang krisis na ito ay tulad sa paghaharap ng unang simabahan sa kanilang problema – pagkilala sa problema, paghahanap ng solusyon at hindi pagbibintang, pag create ng bagong ministries, magdelegate sa mga tao na gaganap dito at pag prioritize ng mga leaders ng mga trabaho na mahalaga sa kanila at pagbibigay ng tiwala sa mga taong kasama ng komunidad na pumili. Huwag nating pabayaan ang simbahan. Mahalaga ang gawain nito. At ito’y simbahan nating lahat. (Archdiocese of Manila – Office of Communications/RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2020 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer