Thursday, 23 April 2020 19:19

Homily delivered by Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during the online Divine Mercy Sunday Mass on April 19, 2020, at 10 a.m.

The Divine Mercy is a new devotion that spread rapidly in our time. It was promoted by St. Maria Faustina Koalska who was canonized only in the year 2000. She lived between 1905 and 1939. A contemporary of many elderly people among us. And she wrote her visions and conversations with the Lord in a book called “Diary: Divine Mercy in my Soul.”

Ang mga nakasulat sa diary na ito ay bahagi ng tinatawag nating private revelation. Hindi tayo obligado na maniwala dito pero huwag din nating balewalain ang mga sinasabi ng mga private revelations.  Sinabi po ni Papa Benedicto sa kanyang liham -  Verbum Domini, “A private revelation can introduce new emphasis, give rise to new forms of piety or deepen older ones. It can have a certain prophetic character and can be a valuable aid for better understanding and living the gospel in our time. And it should not be treated lightly. It is a help which is offered but its use is not obligatory.”


Mabilis ang pagkalat ng debosyon ng Divine Mercy dahil sa ito ay angkop na angkop sa ating panahon ngayon. Mula noong year 2000, itinalaga ni John Paul II na ang Second Sunday of Easter will be known as the Divine Mercy Sunday. At ito nga ang nagbigay ng malaking tulak upang makilala ang Divine Mercy.

Ang isa pong katangian ng ating panahon ngayon ay ang pagiging malupit natin dahil po sa technology at competition. Ang hinahanap ng mga tao ay ang mga magaling, ang efficient, ang productive. Sa paaralan kinikilala lang ang mga matatalino, ang mga nasa top ten. Sa mga kompanya ang na-pro-promote ay yung mga effective, ang mga nagdadala ng malaking kita. Napaka-competitive po ang sports ngayon kaya may mga gumagamit nga ng mga steroids para maging malakas at bumilis.

This situation pushes people to give their best but unfortunately in this situation there are few winners and a lot of users. Ilan lang naman ang tumatanyag. Ilan lang naman ang napro-promote. Ang karamihan ay naiiwanan. Marami ay napapabayaan. Kapag walang pakinabang o kaya nagkamali, pupulutin ka na lang sa kangkungan. Ito rin ang maaaring maging pananaw natin sa ating spiritual life. Ang mga nagkakamali ay hindi na pinapansin. We may feel that we are not good enough because we have failed or we have sinned.

Ganun din kalupit ang buhay sa mga drug addicts na pinapatay nalang na wala na silang pag-asa. Ang mga naghahanap ng katarungan ay pinagbibintangan ng maka-kaliwa. Ang mga nakakagawa ng krimen ay dapat ng bitayin. Nawala na ang awa ng tao sa kanyang kapwa kaya tuloy ang mga matatanda, ang mga mahihina, ang mga may sakit ay napapabayaan na.

At hindi lang po upang tayoý makilala, kailangan meron tayong credentials - saan ka ba nakapag-aral? Ano ba work experience mo? Dapat may ipakita tayong mga certificates. Parang ganun din ang naiisip ng iba para tayo’y mapansin ng Diyos, dapat meron tayong credentials – kasama ka ba sa simbahan? Nakakagawa ka ba ng mabuti? Pero makakalapit ba tayo sa Diyos sa credentials natin?

The message of the Divine Mercy is that God does not deal with us in this way. He does not look for credentials, for achievements, for certificates. Because the joy of God is to give and to forgive and to show mercy. He reaches out to those who don’t deserve him. At ito’y nakikita natin sa muling pagkabuhay. Itong mga alagad na duwag na tinalikuran siya. They don’t deserve him. And yet, Jesus looked out and search for them noong siya’y muling nabuhay.

Kaya nga ang larawan natin sa Divine Mercy tulad nito ay ang mga liwanag na nanggagaling sa puso ni Hesus na inaabot yung mga tao. The first gift that Jesus gave to his disciples at his resurrection was the gift of peace and the gift of peace which is the result of forgiveness.

As I’ve said, all of them failed him but he did not…them for having abandoned him. In fact, he forgave them and not only did he forgive them, he entrusted to them the power also to forgive.

Ganun po kadakila ang habag ng Diyos. At pinaramdam niya ito kay Tomas. Nagmatigas si Tomas, “Kung hindi ko mailalagay ang aking daliri sa kanyang kamay, kung hindi ko mailagay ang aking kamay sa kanyang tagiliran sa butas ng kanyang sugat, hindi ako maniniwala,” sinabi ni Tomas.

Hindi ni Hesus pinarusahan ang pagmamatigas ni Tomas. Pinagbigyan niya ang kahilingan ni Tomas, “Sige, ilagay mo ang iyong kamay sa aking tagiliran. Tignan mo ang butas ng sugat ng aking kamay. Iwanan mo na ang iyong pag-aalinlangan. Maniwala ka na,” ang pakiusap ni Hesus kay Tomas.

Sa ating pangkaraniwang paraan, kapag tayo ay napatotohanang tama, ibig natin ipamukha sa iba na mali sila, na tama tayo. Pero hindi ito ang ginawa ni Hesus. Noong siya’y muling nabuhay, hindi siya nagpakita kay Pontio Pilato at pinamukha sa kanya na mali ang hatol mo. Hindi siya nagpakita kay Kaifas at Anas at sa mga leaders ng mga hudyo na hinahamon siya, “Kung ikaw ang Kristo, bumaba ka diyan, at maniwala kami.” Hindi niya pinamukha sa kanila na mali siya.

His purpose was not to prove his enemies wrong. His purpose was to strengthen his disciples and to give them life. He did not waste his time proving others wrong.

For the past 2000 years, the message of the resurrection has been passed on one from one generation to the next. At hindi nalalaos ang message na ito. Ito ay hindi lang pinalaganap ng mga preachings ng mga apostles. Ang muling pagkabuhay ay buhay na buhay dahil sa buhay ng mga Kristiyano.

Napakinggan natin sa unang pagbasa ang uri ng buhay ng mga Christians. Ramdam ng mga tao na kakaiba ang community na ito. Nagkakaisa sila at nagtutulungan. Walang mahirap sa kanila dahil walang mayaman. Ang mga mayroon pinagbibili ang ari-arian nila at ibinabahagi sa mga walang wala. Dito nakikita na may power, the power of sharing sa komunidad na iyon. Ang pinagkakaisahan nila ay hindi lang ang material na bagay ngunit ang buhay panalangin; ang buhay na naaayos sa aral ng mga apostol; ang buhay ng pagpipiraso ng tinapay; ibig sabihin ang banal na misa; at ang buhay ng pagkakapatiran, pagtutulungan. Ito rin sana ang magbuklod sa atin bilang bayan ng Diyos hanggang ngayon. Tayo’y bayan ng Diyos sapagkat nagkakaisa tayo sa dasal.

Tayo’y bayan ng Diyos sapagkat nagkakaisa tayo sa banal na Misa. Tayo’y bayan ng Diyos sapagkat iisa ang paniniwala natin – ang katarungan ng mga apostol. Tayo’y isang sambayanan sapagkat tayo’y nagtutulungan. These are the things that make us Church hanggang ngayon.

Ang message of the Divine Mercy is good news to us. That means that God does not deal with us because we deserve it. Even if we do not deserve it, God loves us. Kaya wag tayong mag-atubili na lumapit sa kanya kung ganoon ang pakikitungo natin sa Diyos ganun din dapat ang ating pakikitungo sa isa’t isa kaya the Divine Mercy devotion is not only receiving the mercy of God but also sharing the mercy of God to the others especially the vulnerable.

Kaya part of the devotion of the Divine Mercy is to perform the spiritual and corporal works of mercy which we can all do. Kahit na ngayon panahon ng quarantine, we can do the spiritual works of mercy, ano ba yun?

Admonishing the sinner – itutuwid natin yung mga mali. Kapag sinasabihan natin ang gumagawa ng masama na mali ang kanilang ginagawa, we are performing a spiritual work of mercy. Instructing the ignorant – turuan sila sa mga bagay tungkol sa katotohanan tungkol sa Diyos. Counselling the doubtful, …patiently, forgiving offenses willingly. Nagkamali yung iba, patawarin natin sila. Comforting the afflicted and so many people are afflicted these days and praying for the living and the dead. Already in this Mass, when we pray for the living and the dead, we are exercising a spiritual work of mercy.

At ganun din po kailangan din natin ipadama sa iba ang corporal work of mercy. Corporal sapagkat yan ay kailangan ng katawan tulad ng feeding the hungry. Maraming tao ngayon ay gutom. Sa ating pagbabahagi ng pagkain, we are doing a corporal work of mercy. Giving drink to the thirsty, clothing the naked, sheltering the homeless, visiting the sick or caring for the sick, visiting the prisoner, burying the dead.

So, ito yung mga gawain po natin ngayon na kailangan natin i-promote because of our devotion to the Divine Mercy.

Sa ating panahon ngayon, talagang naaangkop ang mga spiritual and corporal works of mercy. Talagang maraming mga tao na kung titignan lang natin sa kanilang kakayahan, parang hindi na nila kaya. Gusto na nilang bumigay. But God is rich in mercy and compassion. Kahit anong pagkakamali natin, nandiyan siya upang tayo ay tulungan. And we are grateful to God’s compassion to us. And as we are grateful to God’s compassion, let us on our part make others feel God’s mercy to them through our care. We have seen this and we are seeing this these days through the selfless dedication of our frontliners. Yung mga tumutulong sa atin sa mga ospital, sa mga palengke, yung mga pulis. Marami po yung nagbubuwis ng buhay nila para makatulong sa kapwa. Yung mga voluneers na nagbibigay ng mga pagkain sa mga mahirap sa mga parokya natin. This is a sign of mercy that we are giving to others.

My dear friends, let us praise and thank the Lord. God is merciful. Let us do what we can on our part to spread God’s merciful love to others. (RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer