Friday, 10 April 2020 12:48

FULL TEXT | Homily delivered by Bishop Broderick Pabillo, Apostolic Administrator of Manila during online Mass for the Lord’s Passion held at the Manila Cathedral on April 10, 2020, at 3 p.m.


For us Filipinos the two holiest days of the year are Christmas Day and Good Friday. Dinudumog natin ang simbahan sa mga araw na ito.  Both of them are centered on the Lord Jesus. Si Jesus na naging tao at si Jesus na namatay para sa atin. Mahalaga ang birthday ni Jesus. Higit ito sa ibang birthday dahil si Jesus ay ang Diyos na nakikiisa sa atin. At ganoon na lang ang pakikiisa niya sa atin  na namatay siya dahil sa at para sa atin. So, we have heard in our first reading: It was our pain that he bore, our sufferings he endured. (Isa. 53:4); He was pierced for our sins, crushed for our iniquity. He bore the punishment that makes us whole, by his wounds we were healed. (Isa. 53:5); and The LORD laid upon him the guilt of us all (Isa. 53:6)

Kaya mahal natin ang sanggol na si Jesus na isinilang noong Pasko dahil sa kanyang ginawa sa atin sa Biernes Santo! Ang Biernes Santo ang nagbibigay ng kahulugan sa araw ng Christmas.

May apat na bahagi ang pagdiriwang natin sa simbahan, na ngayon ay inyong nasusundan online. Ito ang unang bahagi, ang pagpapahayag ng salita ng Diyos. Narinig natin muli ang pagbabasa ng Passion Narrative. Noong Linggo binasa natin ang version ni Matthew. Ngayon naman binasa natin ang version ni John. Pagkatapos ng Salita ng Diyos, dudulog tayo sa Diyos sa pamamagitan ng mahabang panalangin ng bayan. Sa karaniwang Biernes Santo mayroon tayong sampung (10) petitions. Ngayong taon, dinagdagan ito ng isa pa – tungkol sa Covid 19 pandemic na bumabalot sa buong mundo.

 

Matapos ang mahabang panalangin ng bayan, susundan ito ng pagpaparangal sa Krus. Ito ngayon ang sentro ng ating pagsamba. We venerate the cross because it is through Jesus on the cross that we are freed from our sins.

Tatapusin natin ang ating pagdiriwang sa pagtanggap ng Banal na Komunyon na ngayon ay hindi ninyo magagawa. Makiisa na rin lang kayo sa inyong spiritual communion.

Ang sentro nga ng selebrasyon natin ay si Jesus na naka-pako sa krus. Ito ang magiging sentro ng ating pagninilay. Para sa ating mga Kristiyano ang krus ay ang simbolo ng kasamaan at galit ng tao at ito ay simbolo rin ng kabutihan at pag-ibig ng Diyos.

Kasamaan ng tao: Inimbento ang pagpapako sa krus dahil sa kalupitan at kasamaan ng tao. Ito ay isang uri ng parusa na kalkulado na magbibigay ng labis na pagpapakasakit sa tao. Una nito ay ang pagbibigay ng kahihiyan. Kita ng marami ang tao na hubad na nakapako sa krus. Ang paratang sa kanya ay kitang-kita ng lahat at kinukutya siya ng mga tao. Hindi ba ganyan ang nangyari kay Jesus? Ang paratang sa kanya na siya ay hari ng mga hudyo. At para maging maliwanag ito sa lahat, ito ay nakasulat pa sa tatlong lingguahe na ginagamit ng mga tao noon – sa Latin, sa Griego at sa Hebreo. Kinutya si Jesus ng lahat habang siya ay nasa Krus – ng mga Judio, ng mga sundalong Romano, ng isa sa mga tulisan na nakapako kasama niya. Ang Krus ay isang parusa na kalkuladong magbigay ng mahabang kahirapan bago dumating ang kamatayan. Those who are in the nobility are not crucified when they are punished. They are beheaded or they are made to drink poison – deaths that are sudden. Pero iba ang nasa krus na itinakda sa mga mababang uri na mga tao at mga rebelde. Maaaring tumagal siya ng ilang oras o ilang araw doon. Mamamatay siya sa uhaw, sa gutom, sa impeksiyon, o sa pagkalagot ng kanyang hininga. Kaya para madaliin ang pagpatay sa araw na iyon, dahil ayaw nila na may nasa Krus sa dakilang kapistahan ng paskua, binali nila ang paa ng dalawang kasama ni Jesus, para malagutan kaagad ng hininga. Hindi na ito kailangang gawin kay Jesus. Maaga na siyang namatay at upang siguradubing patay na siya, sinibat ang kanyang tagiliran. How cruel man can be to his fellow human beings. He invented death on the cross. Kaya ang krus ay simbolo ng kasamaan at galit ng tao. Ganoon siya magpahirap sa kanyang kapwa.

Hanggang ngayon, ganyan ang kasamaan ng tao sa kanyang kapwa. Wala awa! Gustong magpasakit! Gustong pumatay! Hindi ba ganyan pa rin ang nangyayari sa mga tortures na ginagawa sa tao, sa mga pagpatay ng mga inosenteng tao, na sila ay collateral damage lang sa mga digmaan at pagbobomba, sa mga extrajudicial killings, sa mga pananalitang patayin sila na galing sa mga bibig ng makapangyarihan? Nandiyan pa rin ang kasamaan ng pagwawalang kibo o indifference sa kahirapan ng iba; para kami maligtas, itinataboy ang mga dayuhan, itinataboy ang mga hinihinalang may virus dahil sila ay nasa frontline na tulungan ang mga tao sa mga ospital at mga tindahan! When we see the cross let us beat our breasts and be sorry for the great inhumanity that is happening around us. Ganito kabigat ang kasamaan.

But the whole picture changes when we see that Jesus is on the cross. Ginamit ng Diyos ang kasamaan ng tao – dinanas o na experience niya ang kasamaan ng tao upang ipaabot sa atin ang kanyang kabutihan – na ganoon niya tayo kamahal. He underwent the depth of human cruelty to tell us that he will not leave us. Hindi niya tayo iiwan. Ano man ang mangyari nandiyan siya. Kasama natin siya. As we have heard in our second reading: “We do not have a high priest who is unable to sympathize with our weaknesses, but one who has similarly been tested in every way.” (Heb. 4:15) In fact he experienced such suffering and cruelty that none of us has ever experienced.

But we are saved not just by the pains that Jesus suffered. Being a punishment for lowly criminals, the Romans had been crucifying thousands of people at the time of Jesus. None of these people crucified saved us, although they suffered the same or even worse pains than Jesus had. Bakit ang pagkapako kay Jesus ang nakapagligtas sa atin? Oo, dahil wala siyang kasalanan. Hindi siya nagbabayad sa kanyang pagkakamali. Pero sa libo-libong pinako sa krus ng mga Romano, siguradong marami din diyan ay walang kasalanan, tulad ng sa mga libo-libong pinatay ng bitay o ng EJK, marami din sa kanila ay walang kasalanan.

Naligtas tayo ni Jesus dahil tinanggap niya ang pagkapako sa krus dahil sa pagmamahal. Pagmamahal sa Ama, that he was obedient unto death, and death on the cross. Hindi ba ito ang kanyang paulit-ulit na dasal sa Hardin ng Gethsemani: "My Father, if it is possible, let this cup pass from me; yet, not as I will, but as you will." (Mt. 26:39)

Si Jesus na nasa krus ay tanda ng Pagmamahal sa atin. Narinig natin kanina sa unang pagbasa: “We had all gone astray like sheep, all following our own way; But the LORD laid upon him the guilt of us all.” (Isa. 53:6) St. Paul wrote to the Christians in Rome: “God proves his love for us in that while we were still sinners Christ died for us.” (Rom. 5:8) Hindi lang sa namatay siya dala-dala ang ating kasalanan. Namatay siya sa atin noong kaaway pa natin siya, noong nasa kasalanan pa tayo. Hindi naman siya namatay dahil mabuting tao tayo. Namatay siya noong nasa kasalanan pa tayo, at kahit na patuloy tayo sa ating pagkakasala, patuloy pa rin ang pag-aalay niya ng sarili niya sa atin. So, our sinfulness should not be a reason to keep us away from Jesus. Our sins should be the reason to bring us back to God, because as Jesus taught: “I tell you, in just the same way there will be more joy in heaven over one sinner who repents than over ninety-nine righteous people who have no need of repentance.” (Lk. 15:7)

Kaya ng mga kapatid, kapag nakita natin ang krus, magalit tayo sa kasalanan. We should have that hatred for sin, that none tolerance for evil. Ganyan kasama ang kasalanan. Kapag nakita natin si Jesus na nakapako sa krus, yakapin natin siya – ganyan niya tayo kamahal!

Sa Pilipino ang tawag natin sa Biernes Santo ay Mahal na Araw. Sa araw na ito pinakikita sa atin ng Diyos gaano tayo kamahal. Mahal tayo, mahalaga tayo. Ang halaga natin ay ang dugo ng Diyos na naging tao. Mahal tayo, mahalaga tayo, mahal tayo ng Diyos. Iniibig tayo, ang bawat isa sa atin, ng Diyos mismo. My dear people of God, we are loved, and loved so much, by no one else than by Jesus himself, Jesus the Son of God!

To believe in God is not just to believe that there is a God. Even the devil believes in the existence of God, and he trembles before him. To believe in God is to believe that God loves us. Thinks about that. God loves you. (pause) He loves you so much that he gave you his son. And Jesus loves you so much that he gives his life for you, and on the cross!

Seen from this perspective of Jesus on the cross, let us not doubt the love of God, even in this time of the Covid-19 pandemic. Ginagamit din ng Diyos ang pandemic na ito upang ipaabot sa atin ang kanyang pag-ibig tulad ng ginamit niya ang krus upang ipadama sa atin na mahalaga tayo para sa kanya. Nothing can separate us from the love of God, not even the cross, not oven the corona virus!

Spend the rest of this day being aware of Jesus’ love for you. Spend some time in front of the crucifix. Gaze on it lovingly and pray softly but deeply…. Thank you Jesus, for loving me so much! (RCAM-AOC)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer