Sunday, 19 January 2020 14:09

Si Hesus ang Haring Lulupig sa Kasamaan at Magdadala ng Kagalingan -- Cardinal Tagle


Pinangunahan ng kaniyang kabunyian Luis Antonio Cardinal Tagle ang huli at ikasiyam na nobenaryo para sa Kapistahan ng Banal na Poong Santo Niño, na ginanap noong nakaraang ika-17 ng Enero 2020, sa Archdiocesan Shrine ng Santo Niño de Tondo.

His Eminence Luis Antonio G. Cardinal Tagle l Photo by Eric Paul Guanlao
View Photogallery

Sa kaniyang homiliya, binigyang diin ni Cardinal Tagle na walang ibang hari na kayang malupig ang kasamaan at kasalanan kundi si Hesus lamang. Hiling din niya para sa mga parokyano ng Tondo na nawa’y ang paghahari ng Santo Niño ang ipagbunyi at kilalanin.

“Huwag palitan ng ibang hari ang Diyos. Huwag palitan ng ibang hari ang Niño na siyang nagdadala ng tunay na kagalingan, paghilom at tagumpay sa kasalanan at kamatayan", wika ng Cardinal.

Kasama rin sa mga nakiisa sa banal na misa ang Rektor at Kura Paroko ng Dambana ng Santo Niño na si Rev. Fr. Estelito Villegas, at iba pang mga kaparian .

Bago matapos ang banal na misa ay naghandog ng maikling programa ang mga piling naglilingkod sa Dambana ng Tondo bilang taus-pusong pasasalamat sa Cardinal sa kaniyang patuloy na panalangin at pagsuporta sa mga gawain ng parokya. 

Nag-alay ng mga awitin ang Music Ministry na pinangunahan ng Grand Choir at naghandog ng isang masiglang sayaw ng Himno ng Santo Niño ang mga piling kabataan mula sa Parish Youth Ministry at iba pang miyembro ng iba’t ibang organisasyon sa parokya.

Bilang pagtatapos sa maikling programa, naghandog din ang parokya ng imahe ng Santo Niño para kay Cardinal Tagle. Ito ay munting regalo ng mga taga-Tondo para kay Cardinal bago pa man siya tumungo sa Roma para sa panibago niyang misyon na itinalaga ng Santo Papa. (Michelle Buenavides/SOCOM-Archdiocesan Shrine of Santo Niño)

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer