Thursday, 24 October 2019 06:29

ANG PAGHAHANDOG NG IMAHE NG SANTO NIÑO


Bilang paggunita sa pagdiriwang sa ika-450 taon ng pagdating ng Santo Nino sa bayan ng Tundo (1569-2019), naghandog ng Imahe ng Santo Niño ang Archdiocesan Shrine of Sto. Nino de Tondo sa Manila Cathedral noong ika-19 ng Oktubre 2019.

The Archdiocesan Shrine of Santo Niño de Tondo donated an image of Santo Niño to the Manila Cathedral on October 19, 2019.
Photo by Eric Paul Guanlao
View Photogallery

Sa ganap na ika-6:30 ng umaga, nagtipon sa labas ng simbahan ng Tundo ang mga mandated organization at mga parishioner kasama ang mga pamunuan ng Bikaryato ng Santo Nino, upang sumama sa paghahatid ng Imahe papuntang Manila Cathedral.

Nagkaroon pagdiriwang ng Banal na Misa ng pagtanggap sa pangunguna ng kanyang kabunyian Luis Antonio G. Cardinal Tagle kasama ng iba’t ibang pari sa Bikaryato ng Santo Nino. 

Sa kanyang misa nagpasalamat ang Cardinal sa Panginoon sa pagluluklok ng Santo Nino de Tondo sa katedral ng Archdiocese of Manila at gayundin sa Parish at community ng Archdiocesan Shrine ng Santo Nino de Tondo sa pamumuno ni Fr. Lito Villegas na nagdala ng mahal na imahe ng Sto. Nino.

Sa Kanyang homilia, Inilahad ng Cardinal ang hamon hango sa Ebanghelyo na kung hindi tayo magiging tulad ng mga bata, hindi tayo mapapabilang sa paghahari ng Diyos. “Ang pagiging bata ay ang pagtulad kay Hesus.”

Sa huli, sinabi ni Cardinal Tagle na, “Huwag sanang mawala ang espiritu, ang diwa ng misyon na nasa ugat ng parokya ng Santo Nino de Tondo.  Mag misyon sa pamilya, mag misyon sa mga kabataan, mag misyon sa mga pamilyang nagkakawatak-watak.” (Cristy Dela Cruz / Social Communications Ministry - Archdiocesan Shrine of Sto. Nino de Tondo)

 

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer