Saturday, 20 April 2019 06:12

Homily of Cardinal Tagle during the Commemoration of the Lord's Passion on Good Friday


Homily delivered by Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal Tagle during the Commemoration of the Lord’s Passion on Good Friday, April 19, 2019, at the Manila Cathedral, at 3 p.m.

Mga minamahal na kapatid sa Panginoong Hesukristo, tayo po ay binigyan ng biyaya na makiisa ngayong hapon sa paggunita sa kamatayan ng Panginoong Hesuskrito. Bagamat taun-taon itong nagaganap, at ang mga pagbasa ay nauulit, hindi pa rin nawawala ang ating pagkasindak sa dinanas ni Hesus.  

Nakakabagabag na kaya ng tao na maging malupit sa kapwa. At lalong nakakbagagbag dahil alam natin ang kalupitan na ipinadanas kay Hesus ay patuloy pa ring ipinadadanas ng tao sa kanyang kapwa.


The Catholic Church celebrates the Commemoration of the Lord's Passion on Good Friday, April 19, 2019.
(Photo by Laurenn Camille Jaring

Kaya nagtatanong tayo, kailan tayo matututo? Kailan natin mapupuksa ang mga kalbaryo ng kapwa tao na kalimitan tayo rin ay nakikisalo. Subalit sa kahindik hindik na kuwento ng pagdurusa ni Hesus, tayo rin ay namamangha, papano nakayanan ni Hesus lahat ito? Ano ang pinaghugutan niya ng lakas? Kasi napakalakas ng kasamaan. Mukhang kailangan nating tignan. Saan naman humugot si Hesus ng pangtapat sa kasamaang sumisira at pumapatay?

Yan ang pag-ibig na walang hanggan. Hindi po pagpapakasakit ang nagliligtas. Ang nagliligtas ay pag-ibig na handang magpakasakit. Uulitin ko po yun. Ang pagpapapkasakit lamang ay hindi nagliligtas kaya yung mga naghahagupit, akala nung iba basta masaktan sila, ligtas na. Hindi po yun ang nagliligtas. Pag-ibig ang nagliligtas sa kasamaan.

Nagdurusa ka nga, wala namang pag-ibig . Nagdurusa ka nga, reklamo ka naman ng reklamo, walang kaligtasan yun. Pag-ibig ang nagliligtas. Pag-ibig na handa na magbata ng pagdurusa kung kinakailangan.

At ngayon po’y taon ng mga kabataan. Kaya maganda po na pagnilayan natin na papano pinakita

Hesus ang pag ibig na handing magdusa para sa iniibig. Hindi lamang para matutunan ng mga kabataan kundi natin lahat dahil lahat naman tayo ay may kaugnayan sa mga kabataan.

Mga magulang, pamilya, mga kapatid, mga guro, ang social media, ang mga journalists, kayong mga nasa radyo at TV, ang  mga biussiness, nasa advertising na kabataan ang inyong iniisnip na bentahan ng mga produkto at ng mga moda, ang mga government officials, ang ating kapulisan, ang mga military at kaming mga pari nasa simbahan.

Lahat po tayo may kaugnayan sa kabataan. Papaano natin magagabayan ang isa’t isa. At lalo’t higit mga kabataan, papano ninyo maisasabuhay ang pag-ibig ni Hesus na ipinamalas sa kwento ng pagpapkasakit at pagkamatay.

Narinig natin ang pagsasalahad, narrative passion ni Hesus ayon kay San Juan. Hayaan ninyo na magbigay ako, tumutok ako sa ilan lamang bahagi at ituloy po ninyo ang pagninilay. Sana pagkatapos dito, yung magpru-prusisyon, yung uuwi, ituloy ninyo ang pagninilay. Anong mga bahagi ng ebanghelyo ang nangusap sa inyo tungkol sa pag-ibig ni Kristo.

Ilang bagay po.

Una, dumating ang mga dadakip kay Hesus. Halatang halata hindi nila kilala si Hesus. Si Hesus pa nga ang nagtanong, “Sino ang hinanahap ninyo?” Sabi nila, “Si Hesus na taga-Nazareth.” E, kaharap nila. Kung kilala nila, sasabihin nila, “Ikaw”. Sabi ni Hesus, “Ako si Hesus.” At sila ay napaurong. “Sino ang hinahanap ninyo? Si Hesus, Ako si Hesus.”

Mga kabataan, mabuhay kayo sa katotohanan. Ang pag-ibig nakabatay sa katotohanan. Lalo na yung ikaw, yung totoong ikaw. Nakakalungkot ang dami-daming ginagawa hindi lang ng kabataan para itago ang tunay na pagkatao. Aba’’y may mga tao na  nakikita ko ilang beses isang taon, iba-iba ang kulay ng buhok. Enero green, Hunyo, purple. 80 anyos na itim na itim ang buhok. Ewan ko yun ay milagro o pagbabalat kayo.

Nung tinanong si Hesus, “Hinahanap namin si Hesus.” Pwede naman niya sabihin, “Sorry ho.” Kung ako si Hesus at nahalata ko, ah, hindi pala nila kilala si Hesus. At tinanong ko, “Sino hanap ninyo? Si Hesus na taga-Nazareth.” Aba’y ituturo ko si Hudas. Ayan! Yan, yan, yan si Hesus. E, di siya ang nadakip. 

Hindi. Ang umiibig totoo. 

Nakakalungkot po pati sa social media kung anu-anong pangalan ang ginagamit. Minsan nga hindi pangalan, e. Kung ikaw ay totoo, gamitin mo ang pangalan mo, wag kang magtatago sa kung anu ano, Hagibis, maniwala akong Hagibis ang pangalan mo kasi ang Hagibis matapang. Duwag ka. Tinatago mo ang pangalan mo. Ang nagmamahal totoo.  At dahil gumagamit ng ibang pangalan nagtatapang tapangan, kung manira, kung bumatikos, matapang lang hindi niya inaaamin ang tunay niyang pangalan. Ang daming duwag sa mundong ito at dahil duwag hindi marunong magmahal ng may katotohanan.

Mga dalaga kapag kayo ay nililigawan at ipinangako sa inyo ang buwan, ang bituin, ang Manila Cathedral, ewan ko kung totoo yan. 

Ako po ay nakadiskubre na mayroon akong 4 na Facebook accounts na ginagamit ang pangalan ko hindi naman ako ang nagbukas. Kung nandito ang nagbukas nun, pwede ba pakitaas ang kamay. May pangalan ka naman siguro. Ayun yung bata. Anong pangalan mo iha? May pangalan ka, gamitin mo bakit mo hinihiram ang pangalan ko? Ano yan, eh, pagnanakaw yan ng identity.

Noong isang taon po, January 31, may nagpadala sakin na isang nakapost daw na balita na ako ay namatay. Ako raw ay namatay sa Cardinal Santos hospital. Napapaligiran ng aking mga magulang at mahal sa buhay. At mapayapa ko raw na hinarap ang huling sandali. At ang akin daw kapatid ay nagbigay ng interview. Nagpapasalamat sa lahat ng tumulong at nagdasal para sa akin. January 31, patay na ako.

February 2, may misa ako para sa mga religious women, men sa San Carlos Seminary. Pag dating ko tinanong ako ng isa nating kasamang pari, “Eminence kayo ho ba’y multo?” “Sabi ko, teka, January 31 yun, e, 31, February 1, February 2, tatlong araw na, ako’y nabuhay namang muli.”

Nakakapagduda. Ang mga sinungaling marunong ba yang magmahal? Si Hesus na nagmahal, totoo. At kahit para sa kanyang kapakanan pwede siyang lumusot. Hindi. bakit? 

Itong ikalawa.

Sabi niya sa mga dadakip sa kanya, “Sinabi ko sa inyo, ako si Hesus. Kung ako ang hinahanap ninyo, hayaan ninyon umalis ang mga alagad ko.” 

Hindi niya ipapahamak ang iba. Ganyan ang nagmamahal na naglilitas. Ililigtas mo ang iba hindi ang sarili mo. Naaalala ninyo tinutuya si Hesus nung nakapako. Sabi nung iba, “Di ba ikaw ang Mesiyas? Patunayan mo. Iligtas mo ang sarili mo.” Yung isang salarin ganun din. “Di ba ikaw ang mesiyas iligtas mo ang sarili mo pati kami.” Si Hesus ililigtas ang iba hindi ang sarili niya. Tayo baliktad. Mapahanak ka na basta ligtas ako.

Mga kabataan, wag na wag ninyong gagawin yan kasi kapag nasanay kayo na ipahamak ang iba para lamang maisalba ang sarili, kasasanayan ninyo yan, katatandaan ninyo. Pag kayo ay may asawa na, baka ang ipahamak ninyo yung asawa ninyo, ipahamak ninyo ang anak ninyo, ipahamak ninyo ang iba. At alibi kayo ng alibi para iligtas ang sarili. Hindi maganda, Hindi maganda.

Ang tunay na nagmamahal proprotektahan ang iba. Hindi ipapain ang iba para lamang siya ang maligtas. Nakakalungkot, ibang iba yung ginawa ni Pedro. Si Hesus, iniligtas niya ang mga alagad. Si Pedro naman sunud sunod na pagtanggi. Hindi ko kilala si Hesus. Hindi ako kasama kay Hesus. Anong nangyari? Si Pedro iniligtas niya ang sarili niya. Si Hesus pinabayaan niyang mapako sa krus.

Mga kabataan simulan ngayon ang pagiging marangal na tao. Hindi nagpapahamak ng iba. Kung ikaw ang maysala, harapin mo. Huwag kang magtuturo ng iba na mapapahamak dahil sa iyong pagkatakot at kasinungalingan. Hindi ako magiging masaya kung ang kabataang Pilipino ay ganyan, malusot, alibi, mapahamak na ang iba basta ako, masaya. Ha..ha..ha..Hindi masaya yun. Yun ay tawa ng diyablo.

Pangatlo. Tapos na ho ako dito. Totoo yun.

Di nyo napansin pati kanina habang binabasa natin in a creative way ang mga bahagi, ilang beses sinabi na sumigaw sila, sumigaw.

Minsan nga, natutukso ako kapag may nagtanong, “bakit hinatulan mamatay si Hesus?” Natutukso akong sumagot kasi ang daming sumigaw. Sinigawan si Pilato. Sinigawan si Anas. Sinigawan si Kaipas. At itong mga taong ito nagpadala sa sigaw.

Si Pilato nakita niya dapat palayain na si Hesus pero sa sigaw natakot siya. Nagpadala siya. Samantalang dumating sa puntong si Hesus hindi na sumagot. Ang panlaban niya sa sigaw ay ang katahimikan. Katahimikan ng isang tao na hindi na kailangan nagdepensa sa sarili dahil nasa kanya ang katotohaan.

Sa mundo natin ngayon, dinadaan na din naman sa sigawan. Unahan lang sa paninindak. Di ba may ganyang pelikula nung bata ako, Patayin sa Sindak si Barbara. Dami palang matatanda rito. Ka-edad ko. Alam ang pelikula, Patayin sa Sindak si Barbara.

At ngayon kahit hindi pelikula ganyan ang istratihiya, patayin sa sindak. Manindak ka. Manindak ka. At mamamatay sila. Pero alam ninyo hindi napatay ng paninindak nila ang pag-ibig ni Kristo. Ang pag-ibig hindi sinisindak. Ang pag-ibig bumubukal, isinasabuhay kahit sa katahimikan.

Mga minamahal na kaibaigan lalo na ang kabataan, mangako kayo ngayong Biyernes Santo, hindi kayo maninindak. Hindi kayo magiging marahas. Hindi kayo magiging bully sa inyong mga kaibigan at kahit kanino pa. Isipin ninyo ang nagpapatay kay Hesus mga naninindak, pasigaw sigaw lang. Ang ating manliligtas tahimik dahil ang katotohanan ay mananaig.

Tatlo lamang po ito. Ituloy ninyo ang pagninilay. Papaano ipinakita ang pag-ibig na magliligtas sa atin.

At para sa mga kabataan, please, tignan ninyo si Hesus. Matuto tayo sa kanya papaano tunay na magmahal.

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer