Thursday, 29 November 2018 08:58

Opening of SANGKAN


Message delivered by Manila Archbishop Luis Antonio G. Cardinal during the opening ceremony of Isang Angkan kay Kristo (SANGKAN) on November 21, 2018, at the Our Lady of Guadalupe Minor Seminary in Makati City.

Photo by Eric Paul Guanlao
Photogallery

Hi! Welcome to Our Lady of Guadalupe Minor Seminary and welcome also to the Archdiocese of Manila, thank you for coming. 

Isang pakiusap lang sa inyo mga minor seminarians, you are young totoo ba yun? (Yes!)

Pero yung iba sa inyo mas malaki na nga sa amin eh, young pero you are really growing.

Alam niyo ang pagiging young, ang pagiging youth ay isang blessing isang biyaya ng Diyos, at ga-graduate kayo sa pagiging youth.

Darating ang panahon magiging adult na kayo, darating ang panahon magiging senior citizen na kayo katulad namin. 

Tapos yung iba mag-ulyanin na, minsan lang kayo youth.

Do not waste the blessing of youth.

Meroong karanasan ang kabataan ay mawawala kapag kayo ay hindi na bata, yung inyong energy, yung inyong  physical freshness, yung capacity ninyo to dream, yung idealism ninyo lahat yan gift ng youth at yan ang gift ninyo sa amin sa inyong family sa inyong society.

Hindi namin inaasahan na kayo ay mukhang matanda, may mga bata, mukha ng matanda, may mga bata na isip matanda, may mga bata kilos matanda, may mga matanda isip bata, (laughter) may mga matanda pinipilit pa kilos bata, litong lito na tayo eh! Yung bata pinipilit mag matanda yung matanda nagpupumilit maging bata.

Ang  gift ninyo ay ang pagiging  youth ang pagiging bata, show it to us and contribute to church and being good young people. 

Use your energy, use your dreams, use your idealism to learn and to contribute to the church and to society ngayon habang nagsasama-sama kayo kahit galing sa iba't-ibang seminaries, galing sa iba't-ibang dioceses, sana mag develop kayo ng friendship.

Hindi competition ang kailangan natin sa mundo ngayon, kailangan natin common, common effort to promote the common good, magsimula kayo ngayon.

At hopefully pag kayo ay tumanda na katulad namin ay hindi kayo mag co-compete sa isa'tisa.

Sasabihin ninyo, "di ba nag kasama tayo sa SANGKAN noon? Di ba iisa tayong angkan?"

Sinimulan natin yan noong bata tayo, ngayong tayo’y hindi na  bata isa parin yan  sa tumutulong sa iisang simbahan at sa iisang sambayanan. 

So tama na yun at baka antukin na kayong lahat. Enjoy the rest of the day at mamayang gabi yata meron pang programs at cultural presentations. 

Please appreciate each other and be good friends to one another. Maraming salamat po sa inyong lahat. Sa mga formator teachers and guardians maraming salamat po sa inyo. Thank you, God bless!

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer