Homily delivered by Antipolo Bishop Francisco de Leon during Mass for the visit of the heart relic of Saint Padre Pio at the Manila Cathedral on October 10, 2018, at 12:10 p.m.


Brother priests, the devotees of St. Padre Pio and my brothers and sisters in the Lord Jesus Christ,

Para sa marami sa atin ang puso ay sagisag ng pagmamahal.  Kaya nga kapag ang isang lalaki o babae ay may gusto sa isang babae o lalaki ay sinasabi niyang siya ang aking napupusuan. At kapag sila’y kinasal na ay sinasabi siya’y kabiyak ng aking puso. Kapag ang isang tao ay malupit, cruel, mean, sinasabi din wala kang puso buti pa ang punong saging may puso.

But real love and to love really, you have to be open to the other person. If you’re not then, that is not real love. But there is a danger of being open to another person and the danger is this. Pwede kang masaktan kapag binuksan mo ang iyong puso sa isang tao siya’y minamahal mo pwede kang masaktan.

Photo by Jheng Manalang Prado/RCAM AOC

So, to be open is to be vulnerable.  The word vulnerable comes from the latin “vulnus” which means wounded, vulnus is wound. So, vulnerable in tagalong is “sugatable”. Pwede kang masugatan. But that is love at makikita natin yan sa ating Panginoong Hesus. Batid natin na minahal niya tayong mga tao. Ang pagmamahal niya sa tao ay katulad ng pagmamahal ng Diyos sa tao. Pero dahil mahal niya ang mga tao at binuksan niya ang kaniyang sarili siya’y nasugatan. Sa labindalawang pinili niyang mga apostoles isa ang nagkanulo sa kanya. Isa naman denied him three times. Ang iba naman ay tinakbuhan siya nung siya’y inaresto sa halamanan ng Gethsemane. Isa lang ang natira doon sa paanan ng krus, si San Juan Ébanghelista. Kaya pati anak ng Diyos na nagmahal at nagbukas ay nasaktan. Subalit ang ginawa niya ay siya’y nagpatawad mula pa sa krus, “Panginoon patawarin mo sila hindi nila nalalaman ang kanilang ginagawa”. That wound and that heart crucified him on the cross and killed him but on the third day he arose again.  

The greatest commandment given to us by the Lord Jesus is this, Love God and love another. Love God with all your your heart, with all your mind, with all your strength, and with all your soul.  Love one another as I have love you.  Kaya ang tunay na tagasunod ni Hesus ay tunay na nagmamahal. Handing masaktan at handa ring magpatawad.

Si Padre Pio na narito ngayon ang incorrupt heart ay nagmahal. Minahal niya ang Diyos, minahal niya si Hesus, minahal niya ang simbahan. Subalit siya ay nasaktan.  Ang sasabihin ko lang sa inyo ay yung nabasa ko at yung napanood ko sa kanyang buhay. Nasaktan siya ng Diyos sapagkat hindi niya alam kung ano ang ibig ng Diyos sa kanya. Parati niyang itinatanong, “Lord what do you want me to do?” Buhat pa noong pumasok siya sa monasteryo at naging pari at nagkaroon ng stigmata, Lord what do you want me to do?” E masakit po iyun di po ba. Na hindi mo alam kung ano ang ibig sayo ng Diyos. Hindi mo alam kung anong misyon ang ibinibigay sa’yo ng Diyos. Mas madaling pasanin at gawin ang isang mas mahirap na bagay kung alam mo kung ano ito, kung bakit ito.  The how is easy if you know the why.

Nasaktan rin si Padre Pio ng simabahan. Pinagdudahan kung saan galing ang kanyang stigmata.  Maaari raw sa demonyo. At minsan pa nga pinagbawalan siyang magpakumpisal na ibig, ibig niyang gawin. Matagal siya sa doon confesionario so many hours. He spent so many hours hearing confessions but he was forbidden to do so. He was also forbidden to celebrate a mass for the public. He was allowed to celebrate a mass by himself pero walang mga tao. Matagal niyang tiniis yuon hanggang sa inalis yun ng simbahan, yung mga ipinagbabawal sa kanya ay ibinalik.

Pero hindi lang simbahan pati na yung mga kasamahan niya sa grupo. Nasaktan din siya sapagkat ilan sa kanila doubting him. At noong siya’y nag fundrasing para magpagawa ng hospital, maraming donation, nag-contribute, pero kinausap siya ng grupo ng mga superiors na, “pwede ibigay mo sa amin ang pera”? Bakit? “Kasi yung investment namin ay nalugi at maraming umasa sa aming ibang mga tao, wala kaming maibigay”. Ang sagot ni Padre Pio, “hindi ko maaaring ibigay dahil hindi sa akin ang pera, it belong to the hospital. Yung sa akin, ibibgay ko,” kaya dumukot siya sa bulsa ng ilang kusing, istampita, rosario at yun ang ibinigay. So, he was pressured to give the money, but he refused. Hanggang dumating ang araw inalis siya sa pamamahala ng hospital. Hindi na siya ang pwedeng mamahala sa hospital. At merong mga ilang siyang confriar na nagsasabi sa kanya, “huwag mong sundin ang simbahan, unfair, hinatulan ka, parati ka na lang pina-iimbestigahan”. At parating sinasabi ni Padre Pio the church has a reason for that and it is the duty of the church to do that”. Nasaktan na siya pinagtatanggol pa niya. Ilang tao ang makakagawa noon. Sapagkat mahal niya ang Diyos, mahal niya ang simbahan kaya siya nasaktan. Kung hindi mo mahal ang isang tao siguro kung masasaktan ka, mababaw lamang. Pero kung mahal mo ang isang tao, mahal mo ang Diyos, mahal mo ang simbahan malalim ang sakit na kakamtin mo. Very painful kaya marahil incorrupt ang puso ni Padre Io sapagkat wagas, tunay at walang kaduda duda ang kanyang pagmamahal.

Sabi pa niya my “nourishment is the cross of Christ”. Ganun na lamang ang pagmamahal niya sa krus ni Hesus kaya siya nagkaroon ng  stigmata. Ang limang sugat ni Hesus ay lumitaw sa kanya: dalawang kamay, dalawang paa, tagiliran. And that stigmata is not punishment given by god. It is a privilege given by God.  If you really love Jesus and the cross, if you truly follow the cross, Jesus saying, “If you like to follow me carry your cross, you will suffer, we will suffer”. Kahit ikaw ay magulang, asawa, o pari lahat tayo basta’t tunay na nagmahal, we will experience the cross of Christ. And let us not reject that cross because that cross will save us. Like the cross of Jesus, like the cross of Father Pio and like the cross of St. Francis of Assisi.

Si St. Francis of Assisi nagkaroon din ng stigmata. And they did not reject the suffering, they embrace it. How many of us can do that? If we are truly devotees of St. Padre Pio, we will not reject the cross, we will embrace the cross kahit napakasakit. Because again and again we will be hurt, and again and again we will be asked to forgive. Minsan ibig na nating maghiganti. Lintik lang ang walang ganti! But Jesus asked us to forgive seventeen times seven times kung totoong sumusunod tayo kay Jesus. Kung totoong devotee tayo ni Padre Pio, hindi lang misa, hindi lang nobena, hindi lang paghalik sa relic, kundi paggaya sa kanya, sa kanyang pagmamahal kahit masakit, patuloy na nagmamahal hanggang sa wakas ng kanyang buhay.

Kaya pagnilay nilayan po natin iyan mga kapatid. Hindi madaling maging devotee ni St. Padre Pio. We are asked to be like him just he was asked to be like Christ. So let us be like Christ. Let us embrace our cross inspite of the hurt and the pain and that will save us. The cross is our salvation. It is a scandal for the Jews and foolishness for the... But for us it is our salvation sapagkat sa cross makikita ang tunay na nagmamahal. Kaya nga sa bawat simbahan may cross to remind us of the depth and the width and the pain of the love of Christ. Let us do that. And I know with the help and prayer of Mary, our mother, the seven sorrows of Mary, who also suffered pain in her heart, praying for us magagawa natin mga kapatid. Ganun din sa tulong ni Padre Pio, magagawa natin mga kapatid.

Sa mga panahon na ito, mahirap magmahal. Madaling sabihin ayoko na sayo, hiwalay na tayo; suwail na anak ka, lumayas ka na; masama kang pari ipalilipat kita, sabihin kita sa obispo para ilipat ka. Mahirap! But that is our salvation. That is our growth. That is how we will know that we truly love, God knows but do we know? Alam ba natin?

So, let us pray my brothers and sister for one another.

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer