Monday, 13 August 2018 06:03

Homily of delivered by Novaliches Bishop Emeritus Teodoro Bacani, Jr. for the launching of Catholic Women’s League’s Centennial Year in 2019 on August 4, 2018 at the Manila Cathedral.


Magandang umaga po sa inyong lahat!

Alam n’yo po medyo na dismaya ako nung binabasa ko yung gospel for today. Naghahanda tayo ng 100 years ng Catholic Women’s League and yet, are two women who are in league with each other, certainly they are not Catholic Women, hindi Catholis Women’s League, ang napagkasunduan nila, napagkutyabahan nila ay hilingin na si Juan Bautista ay patayin dahil merong sinabi na hindi nakatuwa ni Herodias at sa kanyang kasama na si Herodes Antipas. Pero on the other hand, nang mabasa koi to medyo natuwa ako sapagkat, women in league with each other can accomplish many things that are either good or bad.  In this case they accomplished something bad, but in the case of the Catholic Women’s League, you are in league with each other for something very beautiful, so that you want to become indeed disciples of the Lord and missionary servant disciples practicing charity, work and loyalty. That is a league that is very, very helpful. Iniisip ko tinanong ko kanina ilan na ba ang mga Catholic Women’s League, sabi sa akin 250,000, at mula sa Batanes hanggang Jolo sabi nga po ni Cardinal Rosales, “ubiquitous”, makikita sa lahat ng dako, kahit saan ka magpunta, merong naka asul at puti na Catholic Women’s League, can you imagine that, 250,000 women in league with each other to do good, to follow the Lord and to bring the good news to others by your service in love, work and loyalty, how wonderful! Kaya tignan naman ninyo, kayo po sa totoo lang ang laki ng magagawa ninyo para sa ating lipunan, at ginagawa na ninyo pero marami pa rin kayong magagawa. Isipin po ninyo, pano ninyo maiimpluwensyahan ang inyong mga asawa, ang inyong mga anak, ang inyong mga apo, para sa gayun, sila ay matulad din sa inyo na naglilingkod sa Panginoon at naghahatid ng magandang balit. Yan po ay magagawa ninyo at kung si Herodias malakas kay Herodes sigurado ko, kayo rin malakas din sa mga mister ninyo, sa mga anak ninyo, sa mga apo ninyo. Yung mga mister ninyo paghindi sumunod sa inyo, itsapwera ninyo sa kulambo e siguradong babait yan kung inyong tutulungan na magbait. That is one area how you can help you husband, your sons, your grandchildren, become people who will also serve the Lord in the society that we live in  and which is unfortunately is not the society that we all desire to have in our lifetime. Kaya po isa yan.

Photo by Eric Paul Guanlao

Ang ikalawa ay yung, ngayon, nagdiriwang tayo ng Fiesta ni St. John Mary Vianney, harinawa po ay ipanalangin ninyo at tulungan ninyo na dumami ang nagpapari. Napakalaki ng magagawa ninyo sa pagdami ng mga kaparian at mga people in consecrated life, maybe you can do that during this year as we prepare for the centennial it so happen that it is also the year of the clergy and of people in consecrated life. Maybe you can have special projects in order to help people become good priests, to help other people consecrated to the Lord and live their consecration in the mission that they do for the church and for our society. Pagka ganito po, maganda ang league ng mga kababaihan, Catholic Women’s League na talaga. Kaya we ask the blessing of the Lord for you as you prepare for your 100 year and may you continue in your march and in your pilgrimage to become faithful and servant disciples of the Lord, bringing the mission of Christs to our fellowmen and to our society, Amen.

 

ENGAGE WITH US

Please, enter your name
Please, enter your phone number
Please, enter your e-mail address Mail address is not not valid
Please, enter your message
Copyright © 2017 Roman Catholic Archdiocese of Manila. All Rights Reserved.
Privacy Statement | Terms of Use | Disclaimer